BILANG patunay sa kahandaan para sa gaganaping 30th Southeast Asian Games, ipinakilala ni Globe, sa pakikipagtulungan ng Mineski ang female team na  “Haliya”.

ANG Team Haliya na sina (mula sa kaliwa) Nicole

ANG Team Haliya na sina (mula sa kaliwa) Nicole "Kitty" Munsayac, Em "Kaisaya" Dangla, Jhoanna "Miyeira" Osuyos, Marge Noble, Christine "Yunique" Pagador, Mirachel "NUKELLA" Yuki, Denese "DEN" Santos, Jonerry "JONEZ" Macapagal, Roxanne "ROX" Ty, Aiko Onitsuka, Giana "SERMENT" Llanes, Jeshua "FOFI" Ferrer matapos ang ensayo sa Globe Lifespeed Home Booth sa Bonifacio High Street.

Ipinangalan sa pamosong ‘moon goddess’ na nakipaglaban sa mga halimaw sa Kuwentong Bayan ng Bicolano, ang Haliya ay binubuo ng mga beterano at sumisikat na eSports athletes sa bansa.

Sasabak ang koponan sa League of Legends (LoL) at Arena of Valor (AoV) sa lokal at international competition, kabilang ang SEA Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre.

Pagdagsa ng mga pasahero sa PITX, inaasahang papalo ng 3 milyon ngayong holiday season!

Kakasa para sa Haliya League of Legends (LoL) squad sina team captain Denese “Den” Santos with Jonerry “Jonze” Macapagal,  Aiko “Aiko” Onitsuka, Giana “ Serment” Llanes, Jeshua “Fofi” Ferrer at veteran Roxanne “Rox” Ty. Si  Mirachel “Nukella” Yuki ang  team manager.

Ang Haliya Arena of Valor (AoV) squad ay binubuo nina team captain Em “Kaisaya” Dangla, Christine “Yunique” Pagador, Jhoana “Miyeira” Osuyos, Nicole “Kitty” Munsayac at Marge “Marge” Norbe.

Sasabak sila sa unang pagkakataon sa Female Esports League (FSL) Elite League of Legends Tournament sa September 5-8 sa Suntec Convention Center sa Singapore. Bilang paghahanda, sumabak sa pagsasanay ang koponan sa Globe Lifespeed Home booth sa Bonifacio High Street kung saan naranasan nila ang kakaibang diskarte sa paglalaro gamit ang Globe At Home Air Fiber 5G.

"Globe continues its commitment to growing a more inclusive Phillipine esports industry with Haliya. Through the introduction of 5G technology and our first all-female professional esports team, we aim for the online gaming experience to reach new heights and set the local industry’s place as a major player in the global arena,” pahayag ni Nikko Acosta, SVP for Content Business Group and Product Management ng Globe.