MARAMING nanghihinayang kay Baron Geisler dahil nawala na siya sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Bungo, ang pinaka-kontrabida ng aksyon-serye ni Coco Martin.

Balitang pumupuslit pa ring uminom ng alak si Baron sa sasakyan niya at hindi niya puwedeng itago dahil naamoy siya ng mga kasamahan niya.

Maganda ang mga nabasa namin na babalik si Baron sa rehab pero kung kailangan pa rin siya sa programa ay puwede siyang bumalik anumang oras.

Pero sa tingin namin mukhang malabo na dahil ipinuwesto na bilang kontrabida sina Marc Abaya, KC Montero at Kian Cipriano na isa sa tinutugis ng Task Force Aguila sa pangunguna ni Cardo Dalisay.

'Sexy pero classy!' Janine Gutierrez, calendar girl na rin

Si John Arcilla na inakala naming hindi na makakabangon muli ay heto na, mukhang siya na ang mamumuno sa grupo ni Marc dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-move on sa nangyari sa kapatid na pinatay ng serial killer na si Judy Ann Santos na na-tsugi na rin sa kuwento.

Idagdag pa sina Gardo Versoza at Lorna Tolentino na may ibang interest kay Presidente Oscar Hidalgo (Rowell Santiago).

Samantala, nakasalubong namin si Direk Malu Sevilla sa valet parking ng ELJ Building kamakailan at tinanong namin kung hanggang kailan ang FPJ’s Ang Probinsyano.

“I don’t know Reggee, only God knows,” tumatawang sagot sa amin.

Sabi pa, “’yung kaibigan kong manghuhula, sabi ko sa kanya, ‘hindi ka magaling kasi hindi mo mahulaan kung kailan matatapos ang Ang Probinsyano.”

For the nth time naming i susulat , baki t nga naman tatapusin ang isang programa kung mataas ang ratings at maraming advertisement? At higit sa lahat, maraming taong natutulungan ang programa ni Coco lalo na ‘yung mga hindi nabibigyan ng regular show o pelikula?

-Reggee Bonoan