PATULOY ang world-class boxing promotions ni Senator Manny Pacquiao.

Matapos ang matagumpay na pagpapalabas ng WBO battle of Casimero vs Flores kamakailan na pinagwagihan ni Casimero via KO, ilalarga ng MP Promotion ang Fight Night ngayong Sabado.

Sentro ng atensyon sa main event ang IBF Minimumweight World title sa Navy Gym Jurado Hall in Taguig, Metro Manila.

Magtutuos ang walang talong si silent Assassin" Samuel Salva (17-0, 10 KO's) ng Iligan City, kontra Pinoy warrior, former world-title challenger Pedro Taduran (13-2, 10 KO's) ng Albay.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nakuha ni Salva, 22, ang pagkakataon na harapin si Taduran matapos magwagi kay Mark Cuarto (17-2-1, 10 KO's) sa IBF eliminator nitong Marso sa Resorts World.

Noong Agosto ng nakalipas na taon, sumabak si Taduran kontra WBC Minimumweight World Champion Wanheng Menayothin (53-0, 18 KO's) sa Nakhon Sawan, Thailand.

Sinoman ang manalo, naghihintay si veteran IBF Flyweight World Champion Moruti Mthalane (38-2, 25 KO's) ng South Africa.

"Yes, the show will be broadcast live from the Philippines Navy Gym starting at 7 PM," pahayag ni MP Promotion President Seam Gibbons