Inanunsiyo na nitong Biyernes, Agosto 30, ang pitong pelikula na napili para sa Get Reel Mobile Shorts Film Festival 2019, na handog ng McJim Classic Leather.

get reel

Kabilang sa mga napiling pelikula ang obra nina Dylan Ray Talon, Walang Hanggang Ligaya Sa Una Mong Ngiti at James Edward Golla, May Love Life Na Si Pepito Jr.,na nag-uwi ng pinakamaraming parangal.

Wagi ang Walang Hanggang Ligaya Sa Una Mong Ngiti ng McJim grand prize na P50,000 para sa Best Mobile Short Film.

Teleserye

Jodi Sta. Maria, inaming 'di siya ang first choice sa 'Be Careful with my Heart'

Nakamit naman ni Dylan Ray Talon ang Best Director at nakatanggap ng cash prize na P25,000 at P10,000 para naman sa Best in Cinematography.

Ang May Love Life Na Si Pepito Jr. ni Golla ang nanalong Best Screenplay at Best Comedy na tumanggap naman ng premyong P20,000 at P25,00 respectively.

Ang idinirek naman ni Mark Jason Sucgang na Pitaka ay tumanggap ng P25,000 para sa Get Reel Viral Shorts Award; John Carlo Balasbas Tarobal, sa kanyang Champion ay nagkamit ng P10,000 para sa Best Inspirational Story; at Roy Robert Rusiana, para sa kanyang Kabilin naman ang nagwagi para sa Best Drama at nag-uwi ng P25,000.

Binigyan din ng acting citations ang mga nagsiganap sa mga nabanggit na pelikula.

Ang awardees ay sina Russel Ian Paguia para sa May Lovelife Na Si Pepito Jr.; Jorrybell Agoto para sa Walang Hanggang Ligaya Sa Una Mong Ngiti; Jonathan Oraño ng Pitaka; Marialyn Tamarra sa Cotard Syndrome; Philip Carlo Ty at King Richard Visto ng Kabilin; at James Lohoman, Shawn Villete at Carlo Tarobal sa Champion.

Samantala, ang award-winning filmmaker na si Chris Cahilig ang nakipag-collaborate sa McJim Classic Leather para mabuo ang Get Reel Mobile Shorts Film festival.

Kabilang sa unang project ni direk Chris ay ang short film na Bag, Sinturon at Pitaka.

-REGGEE BONOAN