NAKATUON ang pansin sa tambalan nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons sa pagpalo ng Beach Volleyball Republic On Tour Gran Ola, Lianga leg ngayon sa Surigao del Sur.

Pangungunahan ni Rondina at Pons, umusad sa quarterfinals ng FIVB Beach Volleyball World Tour 1-Star Boracay Open nitong Mayo, ang 10-team women division sa Gran Ola Eco Surf Camp sand court.

RONDINA

RONDINA

Tampok naman sa 12-team men’s class ang tambalan nina Olympian David McKienzie ng United States at Raja Nazmi ng Malaysia.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Sa ikatlong pagkakataon, gaganapin ang pamosong torneo sa ikatlong pagkakataon sa Lianga, tampok ang mga koponan mula sa collegiate, national team at international squad.

Sasabak naman si rising star Babylove Barbon, kasangga ni Rondina sa matagumpay na three-peat ng University of Santo Tomas sa UAAP, kasama si Gen Eslapor, Nakamit ng dalawa ang Dumaguete leg nitong Abril.

Lalaban din ang tambalan nina UST’s Derie Virtusio at Mer Jauculan.

Kabilang din sa women's class sina Sta. Lucia's Jackie Estoquia at DM Demontaño, Perlas' Dzi Gervacio and Dij Rodriguez, NU-Boysen's Andrea Abian and Trisha Yap, Jose Maria College's Kristine Deguinon at Daphne Doblado, Chlea dela Fuente and MJ Ebro, at dalawang local teams.

Sa men’s class, muling magsasama sina Jaron Requinton, sumangga kay Krung Arbasto sa panalo ng UST sa UAAP men's title,  at Efraem Dimaculangan para sa Growling Tigers' first team. Ang UST Team 2 ay binubuo nina Menchel Remulta at Rancel Varga.