Patay ang isang lalaki na bumibili lamang ng tinapay malapit sa kanyang tahanan makaraang tambangan ng isang nakamotorsiklo sa Quezon City, kahapon.

Kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang biktima na si Kennedy Aba, 32, na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na bumibili lamang umano si Aba ng tinapay sa isang bakery malapit sa kanyang tahanan sa Kalusugan Street kanto ng Kalinisan St., sa Barangay Batasan Hills dakong 4:00 ng hapon nang dumating umano ang isang lalaki na nakasuot ng itim na t-shirt at maong pants sakay ng isang itim na motorsiklo at bigla na lamang pagputukan ang biktima sa ulo.

Matapos ang pamamaril, agad umanong tumakas ang gunman patungo sa direksiyon ng IBP Road habang isinugod naman ng mga opisyal si Aba sa East Avenue Medical Center ngunit binawian din ito ng buhay.

National

Heydarian, happy sa 'immense progress' at latest HDI score ng Mindanao

Blako ang pamilya hinggil sa posibleng suspek at motibo ng krimen.

Patuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy at mahanap ang salarin, gayundin ang motibo nito

-ALEXANDRIA SAN JUAN