IPINAHAYAG ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) na magsasagawa ng anim na test event bilang paghahanda sa 30th Southeast Asian Games na nakatakda sa Nobyembre.

Ang anim na sports ay pipiliin ng SEAG Technical Delegates meeting sa Sept. 4, ayon kay PHISGOC Chief Executive Officer Tats Suzara.

ANG track oval na gagamitin sa closing ceremony ng 30th SEA Games sa New Clark City sa Pampanga.

ANG track oval na gagamitin sa closing ceremony ng 30th SEA Games sa New Clark City sa Pampanga.

“When you say test event, it means that it’s going to be a full-service event, meaning all the committees involved will be at work,” sambit ni Suzara.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Aniya, isasagawa ang test event sa major venues sa New Clark City sa Capas, Tarlac, Subic at Manila.

Nilinaw ni Suzara na ang naturang rpograma ay magsisilbi ring pagkakataon sa mga atletang Pinoy na masubok ang mga bagong pasilidad.

Ang New Clark City ay nagtatampok sa  20,000-capacity track stadium at 2,000-seater aquatics center.

Isasagawa sa naturang lugar ang National Open ng Philippine Swimming Inc. sa Setyembre.

Nakataya ang kabuuang 530 gintong medalya sa 56 sports sa SEA Games na iho-host ng bansa sa ikaapat na pagkakataon. Naging overall champion ang Team Philippines noong 2005 edisyon sa Manila. Nick Giongco