BUKOD sa seryeng The General’s Daughter, pinagkakaabalahan ngayon ni Tirso Cruz III ang shooting ng Miracle In Cell No.7, mula sa Viva Films.

Tirso-Cruz-III-1

Sa katunayan, sabik nang maumpisahan ni Tirso ang bago nilang pelikula ni Aga Muhlach, na dati na niyang nakatrabaho noon.

Bukod sa isa itong entry sa MMFF, ipinagmamalaki rin ng beteranong aktor na makatrabahong muli si Aga para sa kanilang balik-pelikula. Sa Instagram post ni Tirso, ibinahagi niya

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

, “Thank You Lord for the opportunity to be working with him in this movie entitled, Miracle In Cell No. 7 It’s a very touching, heart melting movie. It wasn’t just the chance to work with him that I truly appreciated and enjoyed. It was more the chance to converse and share memories of the past with him. I suggest you watch this beautiful movie” bahagi ng post ni Tirso.

Ang pelikulang Miracle In Cell No.7 ay halaw sa oririnal version ng isang South Korean film tungkol sa isang lalaki na inakusahan ng isang krimen na ‘di niya ginawa. Subali’t sa tulong ng mga kaibigan, naipakita ng bida sa kanyang anak ang kanyang pagmamahal dito kahit siya ay nakakulong.

Makakasama nina Aga at Tirso sa madramang movie na ‘to si Bela Padilla, na siyang pumalit kay Nadine Lustre na una nang inanunsiyo bilang isa sa mga lead stars ng pelikula.

-ADOR V. SALUTA