NABIGO si Pinoy Carlo ‘Too Sharp’ Penalosa (14-2, 7KO) kay Mexican Maximino “Max” Flores (25-4-1, 17 KO’s) para sa bakanteng IBO Flyweight World Title nitong Linggo sa TV5 Studios sa Quezon City.

LARAWAN ng panghihinayang si Penalosa sa kabiguang natamo sa harap ng local crowd.

LARAWAN ng panghihinayang si Penalosa sa kabiguang natamo sa harap ng local crowd.

Sa laban na inaasahang madodomina ng Pinoy fighter, ang agresibong Mexican ang nagdiwang sa laban na naipalabs ng live sa ESPN5 Philippines.

Ngunit, higit na naging usap-usapan ang laban dahil sa naging resulta matapos pumutok ang kaliwang kilay ni Penalosa bunsod ng hindi sinasadyang headbutt.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Dahil sa malaking sugat, itinigil ng veteran Australian referee Garry Dean ang laban at ibinigay sa hurado ang desisyon. Nagbigay si Australian judge Adam Height ng iskor na 67-66 para sa Mexican,hahang nagbigay ang New Zealand judge Kevin Pyne ng 67-66 para sa Pinoy, habang ang Filipino judge na si Jerrold Tomeldan ay nagbigay ng 68-65 para sa Mexican.

Naitala naman ni Gensan knockout specialists Ken Jordan (8-1-2, 7 KO’s) ang second round knockout kontra Macrea Gandionco para makamit ang Asian Boxing Federation (ABF) Super Bantamweight Belt