Tom at Dula, humirit sa Batang Pinoy swimming event

PUERTO PRINCESA – Bigyan daan ang pagsikad ng bagong swimming phenom sa age-group competition.

psc2

Naitala ni Aubrey Tom ng Team Cainta, Rizal ang dominanteng kampanya sa pinagwagihang tatlong event, habang naitala ni Lheslie de Lima ang unang gintong medalya sa athletics sa unang araw ng kompetisyon sa 2019 Batang Pinoy National Finals kahapon sa Ramon V. Mitra Sports Complex.

19-anyos na Pinay tennis player, umariba sa Miami Open; pinataob world's no. 2

Sa kabila ng nadaramang sakit sa binti, umariba ang 14-anyos na si De Lima para pagbidahan ang girls 800 meter run sa tyempong dalawang minute at 22.5 segundo.

“Talagang pinilit ko kahit masakit na po ang binti ko dahil sa pulikat. Masaya po ako at naka-gold medal,” pahayag ng Grade 9 student ng Baao National High School.

IMINUWESTRA nina Senador Bong Go (gitna), mga opisyal ng Philippine Sports Commission, sa pangunguna ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez at Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra (dulong kanan) ang Digong Fist bilang pagbibigay ng motibasyon sa mga batang kalahok, kabilang si Aubrey Tom (ibaba) na nagwagi ng tatlong gintong medalya sa swimming event ng Batang Pinoy National Finals sa Puerto Princes, Palawan. PSC PHOTO)

IMINUWESTRA nina Senador Bong Go (gitna), mga opisyal ng Philippine Sports Commission, sa pangunguna ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez at Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra (dulong kanan) ang Digong Fist bilang pagbibigay ng motibasyon sa mga batang kalahok, kabilang si Aubrey Tom (ibaba) na nagwagi ng tatlong gintong medalya sa swimming event ng Batang Pinoy National Finals sa Puerto Princes, Palawan. PSC PHOTO)

Ayon sa kanyang coach na si Efren Bono, sumailalim ang batang De Lima sa isang buwang pagsasanay matapos ang kampanya sa ASEAN School Tournament na ginanap sa Samarang Indoesia.

“Medyo hindi pa kondisyon pero natutuwa ako kasi nakuha pa rin niya na maka-gold,” pahayag ni Bono.

Tinanghal na multi-medalist ang 13-anyos na si Tom nang pangunahan ang 200m IM (2:32.30), 100m Freestyle (1:03.57) at 50m Backstroke (33.55 ).

“I was not looking at my opponents. My mom just told me before the start just to swim and have some fun,” ayon sa UP Integrated School student.

Sisikapin niya na makopo rin ang dalawang event na lalahukan sa torneo.

Hindi nagpahuli si Marc Bryant Dula, Siklab Youth Awardee, sa napagwagihang 50m Backstroke (31.10) at 100m Fly (1:04.55).

“Para po kay coach Susan (Papa) itong panalo ko. Sisikapin ko po na masweep po Ang nga events ko,” pahayag ng 12-anyos na si Dula ng Team Paranaque.

Samantala, umeksena rin si James Brylle Ballester, anak ni dating SEA Games veteran Allan Ballester sa boys 800m sa tyempong 2:04.8.

Pang-apat sa anim na anak, plano ng batang Ballester na sundan ang mga yapak ng kanyang ama.

“Gusto ko po naging kagaya ni Papa. Siya po Ang coach ko ngayon at Sabi niya maglaro lang po ako,” pahayag ni Ballester.

Tuloy naman ang sagupaan at mainit na aksyon ngayong araw sa mga larong boxing, athletics, gymnastics at iba pang sports sa kompetisyon na inorganisa Ng Philippine Sports Commission (PSC) at suportado Ng Milo.

-Annie Abad