PUERTO PRINCESA – Ikakasa ni Senador Bong Go ang mga programa, kabilang ang edukasyon sa mga natatanging batang atleta para mas marami ang makinabang sa administrasyon ng Pangulong Duterte.
Ayon kay Go, chairman ng Senate Sports Committee, mas maraming batang mahuhubog sa sports kung maabibigyan sila nang tamang pagkalinga at makamtan ang edukasyon na magagamit nila para maitaguyod ng pamilya.
“We are planning to have a scholarship program para sa mga kabataang gusto na maging atleta at the same time maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral,” pahayag ni Go, panauhing-pandangal sa opening ceremony ng 2019 Batanbg Pinoy National Finals kahapon sa Ramon Mitra Sports Stadium sa Puerto Princesa, Palawan.
Target ni Go na gawing training hub ang bagong tayong New Clark City sa Pampanga kung saan kompleto ang makabagong pasilidad. Sentro ito ng kompetisyon sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre.
“Sa New Clark City kasi kumpleto na. Pwede rin silang mag-dorm at makapag-aral. Sayang ang pagkakataon kaya bigyan natin ng chance ang mga kabataan na pwedeng maging isang magaling na atleta at huwag natin ipagkait ang pag-aaral. They can also proceed to college with this scholarship program,” ani Go.
Annie Abad