NAITALA ang pinakamataas na grossing sale sa racing event ng 2019 sa katatapos na 11th Mayor Ramon D. Bagatsing Memorial Racing Festival 2019 na ini-host ng Manila Jockey Club, Inc. sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Umabot sa P27.4M ang kinita ng pakarera, na nakakuha rin ng record number ng viewers, participants at sales mula sa off-track betting.
Kabilang ang KABAKA Foundation sa makakakuha ng benepisyo sa naturang pakarera.
Itinatag ni dating Manila Mayor Ramon D. Bagatsing, Sr. ang KABAKA Foundation para sa social and medical projects para sa pangangailangan ng mga kapus-palad na Manileno.
Mahigit 500,000 residente ng lungsod ang patuloy na inaayudahan ng pamilya Bagatsing.
Tampok ang 16 stakes race, ang nasabing racing festival ay nagkaloob ng ‘di bababa sa P6M premyo na hinati sa mga nagkampeon.
Sa tampok na karerang Mayor Ramon D. Bagatsing Sr. 3YO Open Classic na may layong 1,500m, pinagwagian naman ito ni Boss Emong, ang second leg winner ng 2019 Triple Crown series.
Ang dalawang naturang karera ay nagbigay ng pinagsamang P1.9 milyin na papremyo.