MULING pagkakalooban ng pagkilala ng PSC-POC Media Group ang mga batang atleta na nagpakitang gilas sa kani-kanilang mga sports, sa pagsasagawa ng Phoenix Petroleum Siklab Youth Awards 2019 sa Setyembre 2 sa Market! Market! Activity Area sa BGC, Taguig City.

Ang mga kabataang gaya ni Asian Games gold medalist Yuka Saso ang siyang bibigyang parangal kasama sina triathlete Andrew Kim Remolino, basketball player na si Dave Ildefonso, kasama ang 18 iba pa mula sa ibalt ibang sports.

Kabilang sa pararangalan bilang mga Siklab Young Heroes bukod sa tatlong naunang nabanggit na mga atleta ay sina Maxine Esteban ng fencing, ang kampeon sa junior cycling na si Marc Ryan Lago.

Kasama rin sa listahan sina Christine Mae Talledo at Lealyn Baligasa, na mga miyembro ng PH dragonboat team na nagwagi ng limang gintong medalya sa nakaraang ICF World Dragonboat Championships.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nasa listahan din ang mga pangalan nina International Masters Kylen Mordido at Marvin Miciano, ang speed skater na si Julian Kyle Silverio, pati na ang pole vaulter na si Hokett De los Santos at ang wrestler na si Cadel Evance Hualda.

Bibigyang parangal din para naman sa Siklab super Kids ang mga atletang sina Karl Eldrew Yulo ng gymnastics, at ang IM na si Daniel Quizon, gayun din sina Norel Nuevo at Grace Gella ng bowling na nag-uwi ng bronze medal sa katatapos na juniors World Championship.

Ang skateboarder na si David Sebastian Chancoat ang taekwondo jin na si Ian Matthew Corton ay kabilang din sa pararangalan sa nasabing event na suportado ng Philippine Sprts Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC), gayundin ng Phoenix Petroleum.

Tatanggap naman ng parangal bilang Sports Idols ang kilalang track and field icon na si Elma Muros-Posadas at ang jujitsu world champion na si Meggie Ochoa habang sina PSC Chairman William Ramirez at ang pinuno ng Go For Gold na si Jeremy Go naman ang tinaguriang ‘Godfather of the Year’.

Sa kategorya ng PSC Children’s Games for Peace Award naman kung saan bibigyang pagkilala ang galing ng mga batang atleta na nagpakitang gilas sa 2019 Palarong Pambansa at ang Batang Pinoy, pasok ang pangalan nina Naina Dominique Tagle ng archery at ang mga swimmers na sina Xiandi Chua, Michaela Jasime Mojdeh at Marc Bryant Dula.

Kasama ring pararangalan sina Denise Basila at Michael Angelo Fernandez ng shooting, ang skater na si Diane Panlilio, Jannah Romero (table tennis), Janzeth Gajo (wushu), Joshua Glenn Bullo (sepak takraw), Lanz Zafra (badminton), Samantha Catantan (fencing) at Solomon Padiz Jr. (badminton).

Sina Sandrex Gaisan (wushu), Patrick Coo (cycling), Mariel Abuan (athletics), Remond Lofranco (boxing), weightlifter Vanessa Sarno,swimmer Ivo Nikolai Enot and Dylan Valmores (jujitsu) ay kasama din sa pararangalan sa nasabing gabi ng pagkilala.

-Annie Abad