DALAWANG Pinoy tankers sa katauhan nina Fil-foreign athletes Luke Gebbie at Remedy Rule ang posibleng maipadala ng bansa sa 2020 Tokyo Olympics.
Kapwa nagpamalas nang matikas na kampanya ang dalawa sa ginanap na 2019 FINA World Champions na ginanap sa Gwanju, South Korea.
Nagpamalas ng kanilang galing ang dalawang swimmers sa kanilang magkahiwalay na events, si Rule sa women’s 200m fly at si Gebbie sa men’s 100m freestyle.
Ang Fil-Am na si Rule ay nagwasak ng dalawa sa limang Philippine Senior Record sa swimming, sa naitalang 2:11.38, habang si Gebbie na isang Filipino-Kiwi ay binasag ang kanyang sariling Philippine record na 49.94 sa 50.03 base sa Olympic Selection Time B o OST B.
Para sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games SEA Games, ngayong Disyembre, magkakaroon ng tsansa ang mga nasabing swimmers na makakasungkit ng puwesto para sa 2020 Toyo Olympics, gayung inaprubahan ng Federation Internationale de Natation (FINA) ang nasabing biennial meet bilang isang qualifying games para sa Olimpiyada.
Kasama sina Rule at Gebbie at iba pang mga batang manlalangoy na susubok sa kanilang kapalaran upang maging kinatawan ng bansa para sa 11-nation meet sa pagsabak nito sa 2019 Philippine Open na gaganapin sa New Clark City Aquatics Center sa Capas Tarlac naguong darating na Agosto 31 hanggang Setyembre 3.
Dito ibabase ng Philippine Swimming Inc’s (PSI) kung sino ang kanilang isasama para mapabilang sa delegasyon ng swimming sa nasabing biennial meet.
Bukod sa dalawang nabanggit na Pinoy tankers, susubok din na makapasok sa delegasyon ang mga dating SEA Games medalists na sina James Deiparine, Roxanne Yu, at Jasmine Alkhaldi, gayundin ang two-time Olympian na si Jessie Lacuna at si Nicole Oliva. will vie for a return to the squad.
Sina, swimming sensation, Michaela Jasmin Mojdeh kasama sina Sacho Ilustre, Jerard Jacinto at Xiandi Chua ay susubukin din ang kanilang swerte upang maging kinatawan ng bansa para nalalapit na pagsabak biennial meet.
-Annie Abad