San Beda Red Lions, nangibabaw sa Pirates para sa 7-0 marka
TULOY ang atungal ng Red Lions. At maging ang Pirata ng Intramuros ay walang nagawa sa bangis ng Mendiola-based cagers.
Nagawang higitan ng San Beda University ang lahat ng diskarte ng karibal na Lyceum of the Philippines University para sa konbinsidong 88-73 panalo nitong Martes sa NCAA Men’s Basketball Tournament sa Filoil Flying V Centre.
Pinatunayan nina Evan Nelles at James Canlas na karapat-dapat silang tagapagmana sa iniwang posisyon nina star player at umakyat na sa PBA na sina Robert Bolick at Javee Mocon para maibigay sa Red Lions ang ikapitong sunod na panalo at patatagin ang kampanya na maidepensa ang titulo.
“Unang-una, nagpapasalamat ako sa players ko for all the sacrifices they have had the past few days preparing for LPU," pahayag ni San Beda mentor Boyet Fernandez.
Nakihamok ng todo ang Pirates, ngunit ang makalapit sa 64-70 sa huling pitong minute ang pinakamatikas nilang porma sa kabuuan ng laro.
Pinangunahan ni Nelle ang impresibong 14-0 run para mahila ang bentahe ng San Beda sa 84-64.
Mula rito, hindi na nakaporma ang Pirates at muling sumuko sa katatagan ng karibal na nagpaluha sa kanila sa nakalipas na dalawang season Finals.
Hataw si Nelle sa naiskor na 14 puntos, habang kumana si Canlas ng siyam na puntos, apat na rebounbds at tatlong assists.
Nanguna sa Red Lions si Calvin Oftana na may 20 puntos, at 12-rebound, habang kumana si Cameroonian Donald Tankoua ng 19 marker at anim na board.
"Hopefully, we won't stop here. it's only one game and we have so many to go," sambit ni Fernandez.
Nanguna sa Lyceum si Mike Nzeusseu na may 18 puntos at siyam na rebounds, habang tumipa si Jaycee Marcelino ng 13 markers, limang assists, tatlong steals, at dalawang boards.
Nakumpleto ng San Beda ang ‘double victory’ ng magwagi ang High School team laban sa Lyceum of the Philippines University, 99-97, sa overtime.
Nasalpak ni Dom Cabanero ang jumper may 40 segundo ang nalalabi para maitarak ang winning points.
"Talagang fighter talaga yang batang yan. Buti, matapang talaga yung bata," pahayag ni head coach Manu Inigo.
Naipuwersa ng San Beda ang overtime sa 97-all mula sa opensa nina Tony Ynot at Justine Sanchez.
Iskor:
(Seniors)
SAN BEDA (88) - Oftana 20, Tankoua 19, Doliguez 15, Nelle 14, Canlas 9, Bahio 8, Abuda 3, Etrata 0, Soberano 0, Cuntapay 0, Alfaro 0, Carino
LPU (73) - Nzeusseu 18, Marcelino JC 13, David 10, Marcelino JV 8, Santos 6, Ibanez 5, Navarro 4, Pretta 3, Caduyac 2, Tansingco 2, Valdez 2, Guinto 0
Quarterscores: 29-17, 44-36, 61-58, 88-73
(Juniors)
SAN BEDA (99) - Sanchez 19, Andrada 19, Amsali 18, Ynot 16, Cabanero 8, Pascual 6, Llarena 3, Delfino 3, Oftana 3, Nicdao 2, Pelipel 2, Valencia 0, Alao 0, Alcantara 0, Peregrina 0.
LPU (97) - Guadana 31, Barba 22, Omandac 21, Montano 10, Panganiban 6, Garro 3, Garing 2, Gamlanga 1, Ragasa 1, Dejelo 0, Santos 0, Dumon 0, Caringal 0, Caduyac 0, Gudmalin 0.
Quarterscores: 23-12, 47-36, 67-56, 87-87, 99-97.