HANDA na ang lahat para sa pagpagitna nina Filipino fighter Carlos Penalosa at Mexican Maximino Flores para sa IBO world flyweight title sa Sabado sa TV5 Studio sa Novaliches.
Ayon sa 26-anyos na si Peñalosa, pamangkin ng dating two-division world champions Dodie Boy at Gerry Peñalosa, kumpiysan siya sa magiging laban na aniay’s pinakamalaking hamon sa kanyang career.
“This is a world championship. It’s my biggest challenge. It’s the first time I’m facing a Mexican,” pahayag ni Penalosa sa kanyang pagbisita sa PSA Forum nitong Martes sa Amelie Hotel sa Manila.
Tangan ni Penalosa ang 14-1 karta, tampok ang pitong knockouts.
Kasama niyang humarap sa media ang 28-anyos na Flores sa linguuhang sports forum na itinataguyod ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel at Pagcor.
Higit ba mas makaranasan si Flores na may 24-4-1 marka, tampok ang 17 knockouts.
“I’m physically and mentally prepared. It doesn’t matter what the judges will say. It’s up to them. Even if he (Peñalosa) wins as long as I win the hearts of the fans, it’s okay with me,” pahayag ni Flores.
Dumalo rin sa pagtitipon ang apat na finalists sa Ultimate Boxing Series: Kamaong Pinoy, ang reality show na pinangangasiwaan ni Gerry Penalosa’s at TV5.
“This is our way of giving young and promising boxers a break as we search for our new boxing heroes,” pahayag ni Peñalosa.
Kabilang sa finalist sina April Jay Abne at Ronel Sumalpong para sa UBS flyweight title, at Lienard Sarcon at Aljum Pepesio sa bantamweight crown.