MAGTUTUOS ang Cignal at Petron ngayon para sa nalalabing finals berth sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa The Arena sa San Juan City.

Lalarga ang aksiyon ganap na 7:00 ng gabi kung saan tangan ng HD Spikers ang momentum bunsod ng 25-20, 10-25, 16-25, 27-25, 15-11 panalo sa defending champions Blaze Spikers nitong Martes para maipuwresa ang rubber match.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Kailangan ng Cignal na talunin ang Petron ng dalawang ulit para makaabot sa finals sa unang pagkakataon. Ang pinakamataas na tinapos ng HD Spikers ay fourth place sa All-Filipino conference.

Mulina, pangungunahan nina Rachel Daquis at Roselyn Doria ang Cignal. Bentahe rin ng HD Spikers ang karanasan ng beteranang si Jovelyn Gonzaga.

Naghihintay sa championship match ang F2 Logistics na nagwagi sa Foton, 25-19, 25-23, 17-25, 25-19, sa hiwalay na semifinal duel sa Muntinlupa Sports Center.

Kumpiyansa si Cignal coach Edgar Barroga sa laban ng tropa.

 “We came here with nothing to lose. The pressure is now on Petron,” ayon kay Barroga.

Umaasa naman si Petron coach Shaq Delos Santos sa tikas nina Sisi Rondina, Aiza Pontillas, Mika Reyes at Bernadeth Pons.

“We knew the quality of this Cignal team right from the start of the conference. They have a tall and very deep lineup,” sambit ni Delos Santos.

 “We have to accept that loss and move on. It’s not yet over for us. We can still bounce back and finish the job. We have another chance and we have to be ready for the challenge since this will be the biggest test for our team,” aniya.

-Kristel Satumbaga

Mga Laro Ngayon

 (The Arena, San Juan City)

7:00 n.g. -- Cignal vs Petron