MABAGSIK sa labanan, ngunit may pusong mapagkalinga ang four-time WWE World Heavyweight Champion na si Sheamus.
Ramdam ang malasakit ng pamosong international professional wrestler sa kanyang pagbisita sa Manila kamakailan kung saan nakiisa siya sa obstacle run at meet & greet sa Pinoy fans, kabilang ang grupo ng mga kabataan.
Naguumapaw ang kasiyahan ng mga piling bata mula sa Christian Mission Service Philippines, sa pamamagitan ng Children’s Hour Philippines nang makasama si Sheamus sa odstacle run at photo shoot bago humarap sa media para sa promoston ng WWE.
“That was amazing!” pahayag ni Sheamus.
“A lot of these kids were jumping all over the walls. They were active and they were having fun!”
Ibinida ni Sheamus ang buting naidudulot ng dispilina at pagsasailalim niya sa Celtic Warrior Workouts bilang paghahanda sa kanyang pagbabalik aksiyon sa wrestling.
“If I get back into the ring, the Intercontinental Championship will be the first thing I go after. It’s definitely the one I want to finish the collection. It’s that one Infinity Stone. Once I get it, in the click of my finger. Boom!” aniya.
Kabilang si Sheamus sa WWE fighters na tumatak sa kamalayan ng Pinoy fans, higit ang kanyang istilo sa tag team fight.
“I’ve always said that what makes a country great are the people in it,” sambit ni Sheamus. “The food is amazing, the people here are amazing. Everyone here is so proud to be from the Philippines- everyone is so nice and respectable. Most importantly, everyone here loves the WWE!”
Magbabalik ang WWE SmackDown! Sa Pilipinas sa Setyembre 20 sa
Smart-Araneta Coliseum. Mabibili na ang tickets sa Ticketnet outlets sa buong bansa. Maari ring bumili sa online via http://www.ticketnet.com.ph.
Para sa karagdagang impormasyon hingil kay Sheamus at WWE, buksan ang http://www.WWE.com o sundan ang WWE sa Facebook (https://www.facebook.com/WWE) at Twitter (https://www.twitter.com/WWESEAsia) .