KUMPIYANSA ang Philippine archery team na makapagaambag ng medalya sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre.

Binubuo ng mga sumisikat na archers sa bansa, target ng Nationals na tuldukan ang apat na taong kabiguan sa biennial meet sa kanilang pagsabak sa recurve at compound event.

Ayon kay National coach Clint Sayo, pangungunahan ang mga miyembro ng PH Team sa SEAG nina Asian Games bronze medalist Paul Marton Dela Cruz, Youth Olympic Games gold medal winner GabrielMoreno, at Olympian Jennifer Chan.

Si Moreno ang titimon sa four-man recurve team na kinabibilangan din nina Florante Matan, Jayson Feliciano, at Carson Hastie, habang ang women’s team ay binubuo nina Kareel Hongitan, Pia Bidaure, Phoebe Amostoso, at Gabrielle Monica Bidaure.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Pangungunahan naman ni Dela Cruz, bronze medal winner sa 2017 SEAD edition sa Kuala Lumpur, Malaysia, ang men’s compound team kasama sina Johan Olano, Roberto Badiola at Arnold Rojas.

Bibida naman sina Chan, Andrea Robles, Rachelle Ann Dela Cruz, at Abbigail Tinugduan sa women’s compound squad.

Sina Dela Cruz at 21-anyos na si Robles ay sasabak sa SEAG sa unang pagkakataon. Kasama sila ni Sayo sa pagdalao sa PSA Forum sa Amelia Hotel sa pagtataguyod ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Huling nagwagi ang Pinoy ng gintong medalya sa SEAG noong 2014 sa Mynamar mula sa men’s compound team nina EarlBenjamin Yap, Ian Patrick Chipeco, at Delfin Anthony Adriano.

“As much as possible we would have wanted to have goodresults. But as of now, I can only assure you that we will win medal. As to theclassification whether it’s gold, silver, or bronze, hindi ko muna sasabihin,” sambit ni Sayo.

“These are the countries you normally meet along the way.Just last month during the Asia Cup (second leg) in Taiwan, silarin yung mga teams na nakabangga naming,” aniya.