NAGKAROON na ng storycon ang pelikulang gagawin ni Lovi Poe sa Viva Films sa direksyon ni Joel Lamangan at makakasama niya rito sina Marco Gumabao at Tony Labrusca. Wala pang nabanggit na title ng pelikula at hula agad ng netizens, sexy movie ito dahil pare-parehong sexy ang tatlong cast.

Marco, Lovi at Tony

Sabi ni Lovi, “Excited to work with these guys” (Marco and Tony) and of course with the one and only Direk Joel Lamangan.”

Ayon naman kay Direk Joel, mahusay na aktres si Lovi, alam niya ang kapasidad nito dahil ilang pelikula nagkatrabaho.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

First time ni Lovi to work with Marco and Tony, hintayin natin kung kanino sa dalawa mas lalabas ang kanilang chemistry. Parehong sexy ang image ng dalawang aktor, kaya siguradong hindi lang si Lovi ang magpapaseksi rito.

-NITZ MIRALLES