LONDON (AP) — Pinatawan ng banned sa loob ng walong taon si Chilean tennis player Juan Carlos Saez bunsod ng match-fixing.

Ayon sa Tennis Integrity Unit, tumanggi si Saez na makiisa sa ginagawang imbestigasyon at nabigot itong iulat ang sinasabing ‘corrupt approach’ sa tournament.

19-anyos na Pinay tennis player, umariba sa Miami Open; pinataob world's no. 2

Sumailalim sa imbestigasyon ng YIU si Saez bunsod ng mga ebidensya na nag-uugnay sa kanya sa match-fixing.

Umabot sa World No.230 si Saez. Ngunit, bumagsak ito sa No.1, 082 sa nakalipas na taon. Hindi siya naglalaro sa pro tournament mula noong Nobyembre.

Ayon sa TIU, may kabuuang 12 players – mga low-ranked players – ang napatawan na ng sanctioned nitong 2019 bunsdo ng iba’t ibang kaso ng betting at match-fixing. Kabilang din ang isang coach at isang umpire, habang angiba’y suspendido habang gumugulong ang imbestigasyon.