IPINAGDIWANG ng lalawigan ng Antique ang pagkakapanalo ng pelikulang John Denver Trending sa mga pangunahing award sa 2019 Cinemalaya: the Philippine Independent Film Festival.
“This film shows how Antiqueños have what it takes to become the best,” pahayag ni Governor Rhodora Cadiao. Ang pelikulang idinirihe ni Arden Rod Condez, ay waging Best Film habang si Jansen Magpusao, ang newbie actor na gumanap sa titular role, ay nanalo namang Best Actor. “This film has put Antique in the national map,” lahad ni Cadiao sa Balita.
Wagi rin ang pelikula, na tungkol sa buhay ng isang teenage boy na naging biktima ng cyber bullying, ng Best Cinematography, Best Editing at Best Original Music Score.
With the exception of multi-awarded actress Meryll Soriano, ang lahat ng cast ay pawang mga non-professional actors mula Antique. Binigyang-pugay naman ng f i lmmaker at n i Jansen ang kanilang bayan ng Pandan, ang northernmost town sa lalawigan, na ginamit nilang filming l o c a t i o n . Ang gami t na diyalekto sa pelikula ay Karay-a, ang salitang ginagamit ng Antiqueños at mga residenteng naninirahan s a i b a n g b a h a g i n g Panay I s l a n d . Samantala, binigyang-pugay naman si Condez at ang buong crew ng pelikula sa Pandan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng parada.
-TARA YAP