NAGSAMA-SAMA ang mga batang footballers mula sa Asia upang mahasa ang mga talento at mapaunlad ang katauhan bilang isang mabuting lider sa ginanap na Allianz Explorer Camp Football Edition Asia 2019 kamakailan sa The Arena sa Singapore.
Kabuuang 43 football protégée sa Asya, kabilang ang tatlong batang Pinoy ang nakibahagi sa programa, sa pangangasiwa ni FC Bayern ambassador at dating Croatian international star Ivica Olic.
Nagmula ang mga batang kalahok na may edad 14-16 sa bansang China,Indonesia, Laos, Malaysia, Philippines, Taiwan, Singapore at Sri Lanka.
Matapos ang apat na araw na programa, pumili ng 18 young footballers para katawanin ang Asya sa Allianz global football camp sa Munich kung saan sasailalim sila sa masusing pagsasanay, sa pangangasiwa ng FC Bayern youth coaches at pagkakataon na makadaupang-palad ang mga star players ng FC Bayern.
Tinaguriang Generation Z, ipinamulat sa mga batang campers ang football-focused fitness workshops, footwork techniques, technical and tactical skills, at competition play.
Itinampok din ng Allianz ang makabagong drone racing, sa pamamahala ni three-time world champion Dunkan Bossion. Ang Allianz ay global sponsor din ng Drone Racing League (DRL) Allianz World Championship Season.
“We are proud to play our part in creating an environment for young children across Asia to learn new skills, explore new places, and collaborate with new friends. Our Allianz regional initiative provides a great foundation for youngsters to enhance their football and team building talents, while gaining new skills and experiences with the technologies of the future. It goes without saying that the future is bright for the young participants and we look forward to watching them grow,” pahayag ni Gino Riola, head ng Market Management Center of Excellence, Allianz Asia Pacific.