ISANG panibagong challenging role ang gagampanan ni Alden Richards sa kanyang upcoming GMA series na The Gift.

Alden

Ayon sa ulat ng 24 Oras, hindi ipinanganak na bulag pero mabubulag ang karakter ni Alden sa primetime soap. At sa kabila ng kanyang magiging kapansanan, maghahatid siya ng inspirasyon at magdudulot ng positibong pagbabago sa buhay ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Bilang paghahanda sa kanyang karakter, sumabak si Alden sa immersion sa tulong at guidance ng Resources for the Blind Incorporated, isang non-governmental organization na tumutulong sa mga visually impaired.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Mas lalo akong na-excite gawin ‘yung role. Nakaka-move lang being here today and experiencing first hand kung ano talaga ‘yung pakiramdam ng pagiging bulag,” saad ni Alden.

Dagdag pa ng Kapuso actor, “sana itong ‘The Gift’ will give them inspiration na kahit na bulag, kahit na walang paningin, the losing of sight puwede ka pa ring maging blessing sa ibang tao.”

Samantala, nai-shoot na ni Direk LA Madridejos ang eksenang nabulag si Alden. Kinunan ang eksena sa Divisoria, amidst the many onlookers sa location. Pero bago iyon, nag-shoot muna si Direk LA ng eksenang nakikipagbiruan si Alden kay Jo Berry, na gumaganap na guardian niya sa story. Isa kasi siyang kargador.

Makakasama rin ni Alden sa serye sina Jean Garcia, Mikee Quintos, Thia Thomalla, Rochelle Pangilinan, Martin del Rosario, Divine Tetay, at Elizabeth Oropesa. Mapapanood ito very soon sa primetime ng GMA 7.

-MERCY LEJARDE at NORA V. CALDERON