KABUUANG 12 koponan ang nakatakdang maglaban-laban sa darating na Premier Volleyball League Season 3 Collegiate Conference na magsisimula sa Agosto 17.

Tiyak na magkakaroon ng bagong kampeon sa torneong idaraos lamang tuwing weekend matapos na hindi sumali ang title-holder University of the Philippines.

Nagbabalik aksiyon naman ang reigning UAAP champion Ateneo de Manila University makaraang hindi sumali noong nakaraang taon.

Ang 12 koponan ay hinati sa dalawang grupo kung saan ang mangungunang dalawang koponan ay uusad sa best-of-three semifinals at ang mananalo ay maghaharap sa best-of-3 Finals.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Magkakasama sa Pool A ang Adamson University, Ateneo de Manila University, San Beda University, San Sebastian College, University of Perpetual at Letran.

Kabilang naman sa Pool B ang reigning 3-peat champion Arellano University, College of St.Benilde, Far Eastern University, Lyceum of the Philippines University, Technological Institute of the Philippines at University of Santo Tomas.

Magtutuos sa opening day na gaganapin sa Filoil Flying V Center ang St.Benilde at FEU sa unang laban ganap na 8:00 ng umaga, kasunod ang tapatan ng Ateneo at Letran ganap na 10:00 ng umaga at ang bakbakan ng San Beda at Adamson sa tampok na laro ganap na 12:00 ng tanghali.

-Marivic Awitan