Nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang panukala na nagdedeklara sa ika-17 ng Nobyembre taun-taon bilang National Students' Day, na pagkilala sa "invaluable contribution" ng student activism sa demokrasya ng Pilipinas.
Base sa Republic Act (RA) No. 11369, nilagdaan ni Duterte nitong Agosto 8, isang polisiya ng estado na pahalagahan ang dignidad ng bawat tao at igarantiya ang buong pagrespeto sa karapatang pantao.
Kinilala rin ng estado ang kahalagahan ng pagmamahal sa bansa at panlipunang responsibilidad sa mga kabataan, at sumusuporta sa
International Students' Day na pinangunahan ng International Students' Council noong 1941 upang gunitain ang pagpaslang sa siyam na mag-aaral sa Czechoslovakian, na nakipaglaban sa pananakop ng mga Nazi.
"In accord with the observance of International Students' Day and in recognition of the invaluable contribution of student activism to Philippine democracy for initiating efforts to foster leadership among Filipino students, November 17 of every year is hereby declared as National Students' Day," isinasaad ng bagong batas.
Ibinigay ng Pangulo sa National Youth Commission (NYC) ang tungkulin sa paghahanda at pagpapatupad ng taunang programa para sa to prepare National Students' Day.
Dapat namang suportahan ng Department of Education (DepEd) at ng Commission on Higher Education (CHED) ang lahat ng aktibidad kaugnay ng nasabing pagdiriwang.
-Argyll Cyrus B. Geducos