PUNUMPUNO ang Tanghalang Nicanor Abelardo Main Theater nitong Sabado ng gabi para sa pelikulang Mina-Anud na closing film ng Cinemalaya 2019.

Dennis Trillo copy

Sa pelikula, ipinakita ang simpleng pamumuhay ng mga tao sa Samar at walang alam tungkol sa droga at nagulo lang nang may dayuhang nagsabi na mapagkakakitaan ang ilegal na droga mabebenta sa malaking halaga, at dito natukso ang lahatsa alok ng dayuhan.

Si Lou Veloso bilang kapitan ng baryo, kasama ang kapwa mangingisda ang nakakita sa mga lumulutang na droga na hindi alam kung ano, inakala ng mga ito na lason ang droga at naisip nilang puwedeng magamit sa panghuli ng isda kaya sinubukang lagyan ng gas at sindihan saka itinapon sa dagat pero walang nangyari. Sinubukan din nila itong ipanglason sa daga at ipangsabon sa mga damit.

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

Hindi malaman ni Lou kung ano ang gagawin sa napakaraming drogang naimbak, dahil halos lahat na ng puwede nilang pagtaguan tulad ng pagbaon sa lupa, sa kamalig at kung anu-ano pa ay ginawa na pero wala pa ring katapusan ang pagdating ng mga droga.

Dahil sa kawalang-alam ay itinawag nina Lou sa PDEA sa pangunguna ng hepe nilang si Alvin Anson ang insidente. Kaagad na nirespondehan ng mga awtoridad ang tawag at kinuha ang mga droga.

Inireport naman sa media na sa isla ng Samar nakuha ang mga bloke ng droga na naiwan ng mga Tsinoy nang masira ang barko ng mga ito.

Pero hindi roon nagtapos dahil binalik-balikan na nina Alvin ang lugar para magmanman at hindi naman sila nabigo.

Magkakaibigang surfers sina Dennis Trillo, Mara Lopez, Jerald Napoles at nagsisikap silang magtrabaho para sa araw-araw na gastusin.

Sa kaso ni Dennis, ambisyosa ang asawang niyang si Dionne Monsanto at gustong magtrabaho sa ibang bansa dahil hindi kasya ang kita ng asawa bilang driver dahil may isa silang anak.

At para mapadali ang pag-alis ni Dionne ay kumabit siya sa taong may kapit sa trabahong pangako pero nahuli sila ni Dennis at nawala na ang tsansa nitong makaalis ng bansa.

Si Jerald ay may lolang bingi na sa kanya umaasa na walang ginawa kundi manood ng teleserye sa maghapon dahil mag-isa lang sa bahay.

Si Matteo Guidicelli naman ang kaibigan nina Jerald at Dennis na artista at endorser ng corned beef na ang bisyo ay droga na naging contact nilang dalawa para maibenta sa Maynila ang mga droga sa mas malaking halaga.

Anyway, maraming daga sa bahay nina Jerald kaya nang nakita niya ang isang bloke ng droga sa mangingisda na sinabing lason ay hiningi niya.

Nakipag-inuman muna sina Jerald at Dennis bitbit ang lason sa daga hanggang sa mapansin ito ng dayuhang boyfriend ng kaibigan at dito na nagsimula ang kuwento kung bakit sila napahamak.

Tunay na pangyayari ang Mina-Anud sa lalawigan ng Samar noong 2009 at naging malaking balita ito sa buong bansa.

Maraming pelikula na ang nagawa tungkol sa droga pero ang iba ay kathang isip lan. Kaya siguro detalyado ang pagkakagawa at pagkakasulat ni Direk Kerwin Go dahil nakita raw niya ang buong pangyayari.

Matapang ang pagkakalahad ng kuwento ni Direk Kerwin dahil ipinakita niya na ang PDEA agents na kumuha ng droga sa mga taga-baryo ay ang mga nakinabang hanggang sa nagtayo ng laboratory ng shabu sa liblib na lugar ng Samar.

Bagamat alam ng publiko na may ilang ahente ng PDEA ang sangkot sa droga na nililinis naman ngayon ng Duterte administration, sadyang hindi ito kayang agarang masugpo.

Seryoso ang kuwento ng Mina-Anud, pero nagawang patawanin ni Direk Kerwin ang manonood para naman hindi sila mainip.

Black comedy ang atake ng direktor na sabi nga niya, “If you want to impart lesson to someone, they will be very resistant to you or they will not listen to you. However, if you make them laugh they will be more receptive to you, this is why we employ black comedy.”

Samantala, natanong ang Regal Films producer na si Roselle Monteverde na risk ang pagpo-produce ng pelikulang Mina- Anud dahil sa takbo ng nangyayari ngayon ay mas pinapasok ng manonood ang romantic comedy o hard action films.

Nabago ba ang paniniwala niya pagkatapos mapanood ang buong pelikula?

“No, definitely not because you know as a film producer you always seek to do the best film the you could deliver to the audience and it really doesn’t matter if it’s good or not. I’m just happy that I produced this movie and I’m looking forward to more movies like this,” sagot ni Ms Roselle.

Maaari nang mapanood ang Mina- Anud sa mga sinehan sa Agosto 21 handog ng Regal Films, Epic Media at HOOQ Originals.

-Reggee Bonoan