ANG daming nagmamahal kay Solenn Heussaff pati na rin sa husband nitong si Nico Bolzico dahil nang malaman ng publikong buntis na si Solenn, ay ang dami agad nag-congratulate sa kanila. As of yesterday, may 405,549 likes na ang post ni Solenn at may 11,604 comments.

Solenn at Nico

Mababasa ang mga pangalan nina Anne Curtis sa mga nag-comment at aniya, “Finally! Can’t wait to be an aunt to this little one!” Maghipag ang dalawa dahil ang brother ni Solenn na si Erwan Heussaff ay asawa ni Anne.

Bukod kay Anne, nag-congratulate rin sina Heart Evangelista, Lovi Poe, Rhian Ramos, Gabbi Garcia, Iya Villania, Judy Anne Santos, Yassi Pressman, Jessy Mendiola, Denise Laurel, Richard Gomez, Winwyn Marquez, Karen Davila, Bianca Umali, Carla Abellana, Marco Gumabao, Rayver Cruz, Ogie Alcasid, Gabby Eigenmann, Yasmien Kurdi, Benjamin Alves, Angelu de Leon at marami pang iba. Masaya sila na magiging ina na si Solenn.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hindi pa in-announce ni Solenn kung ilang months na siyang preggy sa tinatawag nila ni Nicko na “Baby Bolz.”

Samantala, napapanood pa rin si Solenn sa rom-com series ng GMA-7 na Love You Two pero parang mawala ang karakter niya at hindi naman siguro dahil buntis siya. Gusto ng netizens na patuloy siyang mapanood habang lumalaki ang tiyan.

-NITZ MIRALLES