SUKDULAN na talaga ang poot na nararamdaman ng karakter ni Ana Roces bilang si Irene sa epic series ng GMA na Sahaya.

Very intense na ang mga eksena sa primetime soap dahil nalaman na sa wakas ni Sahaya (Bianca Umali) na anak siya ni Harold (Zoren Legaspi).

Makakatikim tuloy si Sahaya ng galit mula sa pamilya ni Irene sa pagiging anak sa labas nito at pinagkakaisahan na siya nina Irene at Salida (Snooky Serna). Maipaglalaban pa rin kaya niya ang kanyang karapatan bilang anak ni Harold?

Kampi ang Kapuso viewers kay Sahaya at naniniwala silang malalampasan niya ang panibagong pagsubok na ito sa kanyang buhay.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ipinagdarasal ng isang fan sa Twitter na, “Sana nga wala na talagang makahahadlang sa gustong mangyari ni Sahaya na makasama niya ang kanyang ama at ina.”

Tutok lang sa mas kapana-panabik na mga eksena sa Sahaya, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad

-MERCY LEJARDE