Nasawi ang isang lalaki na umano’y may sakit sa puso matapos pumasok sa isang haunted house attraction sa Quezon City, kamakailan.

HAUNTED HOUSE2

Binawian ng buhay sa St. Luke’s Medical Center sa nabanggit na lungsod, si Arlan Eusebio, 44, taga-Balagtas, Bulacan.

Sa paunang ulat ng Quezon City Police District, nagtungo si Eusebio sa Asylum Manila, isang horror attraction sa E. Rodriguez Sr. Avenue, kasama ang mga dating kaklase nito noong high school, nitong Linggo, dakong 5:00 ng hapon.

Paliwanag ng kaibigan ni Eusebio na si Oliver Lopez, nagkatuwaan lamang ang kanilang grupo na bumisita sa nasabing lugar matapos maging viral ang video nito sa social media.

Bangkay ng dating UP student lider na sumapi sa NPA, ayaw ng kuhanin ng sariling pamilya

Habang nasa loob aniya sila ng haunted house, bigla na lamang umanong na nangisay si Eusebio at bumagsak.

Aminado naman si Hershey na naggagagamot ang asawa nito dahil sa diabetes na naging sanhi ng paglaki ng puso nito, simula pa noong 2014.

-Alexandria San Juan