NAKABAWI ng Gilas Pilipinas mula sa malamyang panimula upang magapi ang mas malalaki at matatangkad na manlalaro ng Ivory Coast, 94-83, kahapon ng umaga sa ikalawa nilang tune-up game sa Palacio Multiusos de Guadalajara sa bansang Espanya.

gila

Naging 9-man team kasunod ng pagkaka-injured ng beteranong guard na si Gabe Norwood, naiwan ang mga Pinoy ng kanilang katunggaling no. 62 sa world rankings sa first period, 28-19.

Ngunit, uminit si Paul Lee sa second period, at nakuhang humabol ng Gilas Pilipinas at ibaba sa limang puntos ang bentahe sa pagtatapos ng first half.

‘Bakuna Eskwela’ program ng DOH, DepEd, aarangkada

Sa second half, nagsimula ng dominahin ng Gilas ang  Ivory Coast.

Pinangunahan ni Andray Blatche ang nasabing panalo ng Gilas sa ipinoste nyang 18 puntos, 7 rebounds at 10 assists na sinundan ni Lee na may 16 puntos at sina Japeth Aguilar at CJ Perez na may 12 at 11, puntos ayon sa pagkakasunod.

Hindi nakalaro sa nasabing ikalawang closed door tune-up game si Norwood dahil sa natamo nitong mild groin strain sa naunang 102-80 panalo nila kontra Congo. Marivic Awitan