Nasa siyam na ang naitalang nasawi sa tigdas habang 201 ang nahawaan nito sa Pangasinan, kamakailan.
Ito ang kinumpirma kanina ng Pangasinan Provincial Health Office (PHO) at sinabing ang nasabing impormasyon ay naitala mula Enero Enero 1 hanggang Agosto 5 ng taong kasalukuyan.
Nilinaw naman ni Provincial Health Officer, Dr. Anna Ma. Teresa de Guzman, ang mga kumpirmadong nasawi ay nagmula sa Bani, Villasis, Bolinao, San Fabian at Bautista, at lungsod ng Dagupan at San Carlos habang ang dalawa pa ay mula sa Mangaldan.
“The total number of suspected cases from January to August 5 is 1,323, higher than the 179 suspected cases with one casualty on the same period last year,” sabi pa ni de Guzman.
-Liezle Basa Iñigo