DISABLED pa rin ang Instagram (IG) account ni Julia Barretto, pero nakakapag-post siya, hindi lang makapag-comment ang supporters niya, lalo na ang kanyang bashers. Mukhang tinatamad na rin mag-post sa IG si Julia dahil ang last post nito ay five days ago pa.

Pamilya Barretto

Ang latest post ni Julia ay sa IG Story na nawala na rin, ay biblical quotes. Kung uunawain ang post, ‘tila ipinahayag niyang hindi siya gaganti sa mga nanakit at patuloy na nananakit sa kanya.

Samantala, parang ang pagpo-post ni Marjorie Barretto ng photos ng kanyang pamilya, from her parents to her siblings and her own family ang sagot niya sa mga kapatid na sina Gretchen at Claudine Barretto na masasabi na ring kalaban niya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Gretchen at Claudine

Three photos ang ipinost ni Marjorie with her family at ang caption sa dalawang photos ay, “Family.” Sa larawan na kuha sa kasal ng anak na si Dani Barretto, ang caption naman niya ay, “My family. I want to specially thank my Dad and Mom, my siblings, my nephews and nieces for all the love and moral support you have showered me and most especially my kids. Always present in every season of our lives. We have so much love going around for each other.”

-Nitz Miralles