FAN talaga ng bandang Lany si Maine Mendoza dahil hindi pinalampas ng aktres ang katatapos lang na concert ng banda sa MOA Arena kamakailan.

Arjo at Maine

Galing sa taping ng Daddy’s Gurl si Maine at para makahabol sa show, sa motorsiklo sila sumakay ni Arjo Atayde.

In fairness, naka-helmet pareho sina Maine at Arjo at ang cute ng dalawa na nakunan ng photos na nakasuot pa ng helmet. Sa isang picture nina Maine at Arjo, nasa loob na sila ng MOA at nag-i-enjoy sa concert.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ipinost ni Arjo sa Instagram Story ang photo na naka-helmet sila ni Maine at ang caption ay, “More and more memories with you babs (heart emoji) one for the books! #LANYLiveInMNLDay2.” Nagtaka lang ang netizens dahil dinelete rin ni Arjo ang naturang caption.

Post naman ni Maine: “Nairaos! Pakiramdam ko may hinabol akong jowa na paalis ng bansa. Iba kayo, @thisisLANY! Hindi ko ‘to nagawa kay Chris Martin... baka magtampo. Anyway, you guys were amazing! Thanks for giving us a great show! ‘Til the next!”

-Nitz Miralles