ISINAMA pala ni Derek Ramsay si Andrea Torres sa Frisbee competition niya sa Shanghai kaya sila pumunta roon. Gustong malaman ng netizens kung ang dalawa lang ang bumiyahe o may kasama sila papunta roon.

Andrea at Derek

Anyway, feeling dyowa ang caption n i An d r e a s a i p i n o s t na video ni Derek habang naglalaro ng Frisbee dahil ang sabi, “EXTREMELY proud (and in awe) of you @ramsayderek07.”

Kinilig naman ang fans sa sagot dito ni Derek na, “Sichuan for the win @andreatorres.”

Pati ang Instagram Story ni Derek na nagdi-dinner sila ni Andrea ay kinakiligan din at feeling ng mga nakakita ng video, galing kay Derek ang suot na donuts t-shirt ni Andrea dahil endorser si Derek ng isang donut brand.

Tsika at Intriga

'We will always stand by her and protect her!' Yasmien Kurdi, nagsampa ng kaso dahil sa anak na na-bully

May mga nag-comment na bagay ang mga bida ng The Better Woman at nakakakilig ang tambalan nila. Hindi lang maiwasan na may mga bashers at tinawag nilang cheater si Derek.

Nitz Miralles