NI-LIKE ni Bea Alonzo ang collage ng photos nina Gerald Anderson at Julia Barretto na pinalabas nang nag-post na magkasama sa Segara Hotels sa Subic noong April 13 ang dalawa. Naging usap-usapan sa social media ang kumakalat na screenshots sa Facebook page ng nasabing hotel sa Subic.

Julia at Marjorie

Hindi nakatiis si Marjorie, nanay ng kontrobersyal na aktres na si Julia Barretto, hinggil sa akusasyong lihim na nag-check in sa isang hotel sa Subic ang kanyang anak na nauugnay ngayon sa kay Gerald.

Bunsod nito, naglabas ng pruweba si Marjorie na fake news ang nasabing alegasyon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kung susuriin ang dalawang screenshots, magkahiwalay ang “thank you message” ng management ng hotel sa dalawang Kapamilya stars.

Naging tampulan ito ng espekulasyon dahil napansin ng netizens na parehong April 13 ang date stamp ng pagbisita nina Julia at Gerald sa hotel.

Taliwas sa malisyosong espekulasyon ng ibang netizens, iginiit ni Marjorie na trabaho ang ipinunta nina Julia at Gerald sa Subic, Olongapo City at ito ay para sa shooting ng pelikula nilang Between Maybes.

“Let’s stick to the facts. Please swipe,” pangungumbinsi ni Marjorie sa kanyang Instagram post nitong Miyerkules ng gabi, July 24.

Sa unang litrato, iginiit ni Marjorie na magkahiwalay ang hotel rooms na ginamit nina Julia at Gerald.

“April 12, 2019: Between Maybes shooting in Subic. Location: Sagara Villas. Each actor provided one room each as standby area with personal assistants, glam team and production staff coming in and out of their respective rooms.”

May screenshot ding ipinakita si Marjorie na ang nakalagay ay, “Subic movie shooting actor and actress Gerald Anderson and Julia Barretto.”

Hindi malinaw kung caption o comment iyon sa Facebook page ng hotel, pero may time stamp itong April 12.

Saad pa ni Marjorie, kinabukasan, April 13, tumawid ang anak niyang si Julia para sa shooting ng isa pa nitong pelikula, ang Block Z. Kasama sa cast ng Block Z ang ex-boyfriend nitong si Joshua Garcia.

Bilang pruweba, ipinakita ni Marjorie ang still shot kay Julia ng direktor ng Block Z na si Mikhail Red.

Makikita sa Instagram post ni Direk Mikhail na “April 13” ang time stamp nito.

Sa comments’ section ng post ni Marjorie, hindi rin niya pinalampas ang malisyosong comment ng isang netizen.

Sabi ng netizen, nagmamadali na raw si Julia na lumipat sa sariling bahay para magawa nito ang kung anumang gusto niya. Babala pa ng netizen kay Marjorie, dapat ay bantayang maigi si Julia dahil baka sa huli ay iwan lang din ito ni Gerald.

Agad namang nilinaw ni Marjorie na sa tapat lang ng kanyang bahay ang ipinatayong bahay ni Julia.

June 28, 2019 nang kumpirmahin nina Julia at Joshua na hiwalay na sila matapos ang mahigit dalawang taon nilang relasyon. Nitong July 21 naman nagpahiwatig si Bea na hiwalay na sila ng BF nitong Gerald, sa pamamagitan ng matatalinhaga nitong post nitong mga nakaraang araw.

MESSAGE OF SUPPORT NI JOSHUA KAY JULIA

Samantala, disable pa rin ang comment box ni Julia pero may bago siyang post na ang sabi, “Enjoying the last few weeks in my bed before I move into my own home...nervous about the big responsibility but I am ready and excited for this new chapter in my life. So thankful, so blessed.”

Ipinost din ni Julia ang ipinadalang mensahe ni Joshua na, “Malalampasan mo ‘yan. I know you, you’re the strongest girl na nakilala ko. Takot nga ako sayo eh :)” at “Baba car now.”

Sumagot si Julia ng, “Loko loko! @garciajoshuae” na may comment pang, “This guy knows how to find humor in everything!”

Sa convo nina Julia at Joshua, makikitang okay silang dalawa kaya wala silang isyu. Wish ng kanilang fans na maayos na ang lahat at mabalik na ang dating samahan ng favorite love team nila.

-NITZ MIRALLES at ADOR V. SALUTA