Isang magkapatid na paslit ang nasawi matapos na masunog ang kanilang barung-barong sa Sitio Alangilan, Barangay Pasong Camachile II, General Trias City, Cavite, nitong Huwebes ng madaling araw.

SUNOOOOO

Kinilala ng pulisya ang dalawa na sina Chris Cullen Abad Lagsit, 6, at Laarni Abad, 5, na magkayakap pa nang matagpuan ng kanilang ina na si Ma. Fe, 23.

Sa paunang ulat ng pulisya, sumiklab ang sunog, dakong 11:50 ng gabi.

National

'I made it mom!' Sen. Erwin Tulfo, bumisita sa puntod ng ina

Kaagad na kumalat ang apoy sa nasabing barung-barong at nang maapula ito ng mga residente ay natagpuan na ang magkapatid na nasunog din ang bahagi ng kanilang katawan at pinaniniwalaang nasawi sa suffocation

Sinabi pa ng mga awtoridad, natutulog ang magkapatid nang maganap ang insidente.

Sa paglalahad ng ina ng mga ito, kakaalis pa lamang niya at iniwan ang dalawang anak upang bumili ng inumin nang makarinig ito ng sigaw ng mga kapitbahay dahil  sa insidente.

-Anthony Giron