Arestado ang dalawang umano’y miyembro ng Abu Sayyaf group (ASG) sa makahiwalay na operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).

ASG MEMBERS? Ipinrisinta kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang sinasabing miyembro ng Abu Sayyaf na nadakip sa Quiapo, Manila at Culiat Quezon City. Nakatakdang kasuhan ang dalawa ng kidnapping at serious illegal detention. (ALI VICOY)

ASG MEMBERS? Ipinrisinta kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang sinasabing miyembro ng Abu Sayyaf na nadakip sa Quiapo, Manila at Culiat Quezon City. Nakatakdang kasuhan ang dalawa ng kidnapping at serious illegal detention. (ALI VICOY)

Kinilala ni NBI Director Dante Gierran ang dalawang naaresto na sina Julmain at Anwar Sabarul Mohotoh, na kapwa kinilalang sangkot sa pagdukot sa anim na miyembro ng Jehova’s Witness sa Patikul, Sulu noong 2002 kung saan dalawa ang pinugutan.

Ayon kay Gierran, nadakip ng pinagsamang-puwersa ng mga awtoridad sa pangunguna ng NBI’s Counter Terrorism Division (NBI-CTD) ang dalawang suspek sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 266.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file sa pagkasenador at party-list sa huling araw

Una umanong nakatanggap ang NBI ng impormasyon na nagtatago sa Maynila ang dalawang suspek.

Sa pagbabahagi ni NBI Assistant Director for Intelligence Eric Distor, bago ang pag-aresto, nagsagawa umano ang awtoridad ng surveillance operations laban sa dalawa na positibong kinilala ng kanilang mga biktima.

Unang nadakip si Anwar nitong Hulyo 12 sa Quiapo, Manila kung saan siya nagtatrabaho bilang pedicab driver, habang si Julmain ay naaresto nitong Hulyo 17 sa Culiat, Quezon City.

Ayon kay Distor, nasa ilalim ng pamamahala ng napatay na si ASG leader Isnilon Hapilon ang dalawa, ngunit nananatiling aktibong miyembro ng Urban Terrorist Group-Special Operations Group ng ASG.

Si Julmain, umano ay nagsanay sa ilalim ni ASG leader Khadafy Janjalani, na aktibo sa pagre-recruit ng mga miyembro.

Kasalukuyan nang nakadetine ang dalawa sa Detention Facility ng NBI habang hinihintay ang pagdadala sa Special Intensive Care Area (SICA) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.