Humakot ang Pilipinas ang anim na medalya mula sa 60th International Mathematical Olympiad (IMO) sa Bath, United Kingdom.

Lahat ng anim na pambato ng Pilipinas ay nanalo sa kumpetisyon, na sinalihan ng mahigit 621 estudyante mula sa 112 bansa, nitong Hulyo 11-22.
Nag-uwi si Sean Anderson Ty, ng Zamboanga Chong Hua High School, ng silver medal, ang pinakamataas na parangal para sa Pinas ngayong taon.
Huling sali na sa Math Olympiad, ito ang ikatlong sunod na taon na nanalo ng medalya si Ty sa kumpetisyon, makaraang maka-bronze siya noong 2017, at may honourable mention naman noong 2018.
Mag-aaral si Ty ng Applied Mathematics sa prestihiyosong Harvard University sa Amerika ngayong taon.
Bronze medals naman ang nasungkit nina Immanuel Josiah Balete (St. Stephen's High School), Vincent Dela Cruz (Valenzuela City School of Mathematics and Science), Andres Rico Gonzales III (De La Salle University Integrated School), Dion Stephan Ong (Ateneo de Manila Senior High School), at Bryce Ainsley Sanchez (Grace Christian College).
Nanguna ang Amerika at China sa mga kalahok sa IMO ngayong taon, makaraang maka-ginto ang mga pambato nito, kasunod ang South Korea, North Korea, Thailand, Russia, Vietnam, Singapore, Serbia, at Poland.
Pang-31 ang Pilipinas ngayong taon, umangat mula sa ika-38 puwesto noong IMO 2018.
-Jonathan Hicap