SA sunud-sunod na aksidenteng nararanasan n g mg a k i l a l a n g personalidad sa Siargao, hindi pa ba ito wake-up call sa mga opisyal ng isla na posibleng magbunsod u p a n g ma b a w a s a n ang mg a t u r i s t ang dumadayo sa kanila? Ang mag-asawang Yeng Constantino at Victor ‘Yan’ Asuncion ay mahilig magbakasyon habang wala pa silang anak, dahil gusto nilang sulitin ang bawat sandali. Kapag nagkaanak na raw kasi sila ay itutuon na nila ang panahon nila sa bagets.

yeng

Ito ang sabi ng singer/composer sa huling panayam namin sa kanya kamakailan.

Pero sa kanilang huling pagbabakasyon, sa Siargao, ay halos mabaliw si Yeng sa aksidenteng kinasangkutan ni Yan habang nagki-cliff diving.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Base sa Instagram post ni Yeng na may litrato habang nasa ambulansiya siya kasama si Yan: “PART 1: Accident in Siargao and scary na experience sa Dapa Siargao Hospital. Sa wakas na-post ko na ito today dahil napa CT Scan na namin si Yan at walang hemmorhage o namuong dugo sa brain niya. Super grateful kami.

“Pero grabe ang na-experience namin sa hospital sa Dapa Siargao. Naaksidente si Yan sa pagtalon nya sa cliff diving spot sa Sugba Lagoon. After nu’ng impact nagka-memory loss s’ya.

“Di n’ya maalala kung nasan kami, paano kami nakapunta sa Siargao at saan kami nagse-stay.

“Ang pinakanakatakot para sakin nu’ng tinanong na n’ya kung anong taon ngayon. ‘Di niya maalala. Pinilit kong ikalma sarili ko.

“Nakatawag naman agad ng ambulance ‘yung bangkero namin (Salamat po mga Kuya!). Nadala namin si Yan sa first hospital sa Del Carmen.

“Chineck BP n’ya normal naman, tapos binigyan s’ya ng pain killer at neck brace dahil masakit ang leeg at ulo nya.

“Tapos sinabi sa ‘min nu’ng medical personnel du’n na kailangan daw dalhin sa Dapa Siargao Hospital, dahil wala silang pang X-Ray at du’n din daw mas kumpleto mga gamit.

“Nasa isip ko ‘Bakit ganun? Sana meron din ditong equipments dahil malapit to sa tourist attractions na my cliff diving at prone to accidents’.

“Dinrive kami ng ambulance ng mabilis to Dapa Hospital. Pambihira! ‘Yung dapat 1 1/2 hours na tinagal namin du’n sa Dapa Siargao Hospital ay umabot ng 3 1/2 hours dahil:

“1. Walang operator ng x ray. – ‘yung unang nag x-ray kay Yan nag-error ‘yung ginawa niya. After 2 hours dumating ‘yung marunong mag-operate nung x ray machine.

“So, ang ginagawa nila, dahil nag-error ‘yung x-ray they called in medical people from General Luna Siargao Hospital. At ang ginamit na lang nila para makita if may fracture at brain hemmorhage si ‘Yan eh ultrasound (hindi ko alam kung dapat ba ‘yun du’n, pero thank you pa rin sa mga taga-General Luna Hosp sa pagpapakita ng malasakit at urgency para matugunan ang accident ni Yan.)

“2. Naka-box pa ang pang-emergency scanner para sa brain hemmorhage. At pagbukas nito wala pang battery charge so we had to wait para gumana!!! After ‘di magwork ng X Ray, ‘pag ultrasound kay Yan, paghihintay at maraming attitude na lumipad sa ospital eh itong (pangalan ng doktora) biglang sinabi na may INFRASCANNER pala sila!

“All this time na buong tensyon ang room siya lamang ang kalma at tila walang pakialam, ay meron palang equipment na tinatago na specifically kailangan sa accident na ito! Para po akong mababaliw!

“3. Kakulangan ng malasakit at urgency ng (pangalan ng doktora) na umaksyon sa nangyayari.

“Hindi maarok ng utak ko ang pagkuyakoy n’ya habang binabasa ang manual ng INFRASCANNER dahil kaka-unbox lang nila nito habang ang asawa ko ay nakahiga, ‘di makadilat halos dahil sakit ng ulo na natamo niya sa aksidente.

“After ng mga nangyaring ito may isang medical staff (ayaw magpapangalan) na kumausap sa bestfriend ko at pinasabi sa ‘kin na marami raw talagang namamatay sa hospital sa Dapa Siargao Hospital because of negligence.

“Sa experience namin, malamang lamang na maniwala ako. Kung totoo man po ito sana ay maaksyunan ng local government. Kawawa ‘di lamang ang mga turista kundi ang mga lokal.

“Habang umaangat ang Siargao sa tourism sana umangat din ang kalidad ng mga Hospitals dito at ang kalidad ng serbisyo sa mga tao!

“Ps. Si Ms. Karen Davila at Kelsey Merritt may na-experience ding ganito sa Siargao.”

Matatandaang Marso 2018 nang mag-rant sa social media si Karen dahil sa kawalan ng medical facilities sa Siargao, makaraang maaksidente ang anak niya habang nag-aaral ng surfing.

Abril ngayong taon nang maghimutok din si Kelsey sa kawalan ng malapit na ospital sa surfing spot sa isla kasunod ng pagkakasugat sa ulo ng boyfriend niyang American swimmer at Olympic gold medalist Conor Dwyer habang nagse-surfing.

Shoutout po sa mga pulitikong taga-Siargao!

-REGGEE BONOAN