PINATAOB ng Cignal, sa pangunguna ni Marck Espejo ang defending champion Go For Gold-Air Force, 19-25, 25-13, 25-22, 25-21, sa Game 1 ng 2019 Spikers’ Turf Reinforced Conference Finals nitong Biyernes sa Paco Arena sa Manila.

“Actually, obvious naman slow start talaga [kami]. Siguro kulang sa warm-up," wika ni HD Spikers coach Dexter Clamor.

"Both teams naghihintayan e, nagkakapaan kung ano yung lalaruin nila, anong lalaruin namin," dagdag nito. "So kami nung second set, wala kaming ibang ginawa kundi pataasin yung intensity pag pasok ng court, nag deliver naman lahat."

Nagposte si Espejo ng game-high 19 puntos mula sa 17 attacks at 2 blocks bukod pa sa 18 excellent receptions at 4 digs kasunod si Jude Garcia na may 14 markers upang pamunuan ang panalo.

Tatay ni Caloy, ‘ginatasan’ daw ng anak: ‘Kinuha niya semilya ko, ginanyan na kami!’

Nag-ambag naman si skipper Ysay Marasigan ng 12 puntos habang nagtala ang setter na si Vince Mangulabanan ng 32 excellent sets.

Pinangunahan naman ni Bryan Bagunas ang Air Force sa iniskor nitong 17 puntos kasunod si Kim Malabunga na nay 14 puntos.

Sa naunang laban para sa third place, pinamunuan nina John Vic De Guzman at Josh Umandal PLDT Home Fibr Power Hitters sa paggapi sa Sta. Elena-NU Ball Hammers, 25-22, 25-22, 30-32, 25-18.

Kapwa tumapos sina De Guzman at Umandal para sa Power Hitters na may tig- 13 puntos habang nagtala din ang huli ng 19 excellent receptions.

Si Nico Almendras naman ang naging topscorer para sa Ball Hammers sa itinala nitong 18 puntos, 25 receptions, at 6 na digs.