May oil price rollback sa Martes.
Sa maagang abiso ng Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga sa Martes ay magtatapyas ito ng 40 sentimos sa kada litro ng kerosene, 25 sentimos sa gasolina, at 20 sentimos sa diesel.
Kaagad namang sumunod sa pagpapatupad ng rollback ang Seaoil, na may kaparehong bawas-presyo.
Samantala, nagpatupad din ng kaparehong bawas-presyo sa gasolina at diesel ang Petro Gazz.
Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya sa kaparehong bawas-presyo sa petrolyo, na bunsod ng pagbababa ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Hunyo 4 huling nag-rollback ng P1.70 sa gasolina, P1.05 sa diesel at P1.00 sa kerosene.
-Bella Gamotea