BUO ang suporta ng gobyerno para sa Philippine Sports, kung kaya naman kabilang ang sektor sa may natatanggap na pinakamalaking benipisyo mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

DOMINGO: Hindi kami nagkulang ng suporta.

DOMINGO: Hindi kami nagkulang ng
suporta.

Ayon kay PAGCOR chairman at Chief Executive Officer (CEO) Andrea Domingo, nakabibigla at nakalulungkot na malaman na may isyu hindil sa paghahanda ng bansa sa 30th Southeast Asian Games (SEAG).

“Since the administration of President Duterte which started in July 1, 2016 up until the present time, PAGCOR has remitted P4.4 billion to the PSC,” pahayag ni Domingo sa kanyang pagbisita sa Philippine Sportswriters Association (PSA) forum nitong Martes sa Ameli Hotel.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Kamakailan lamang nang magkaloob ng kabuuang P842 million para sa pagpapasaayos ng tatlong pangunahing sports venues para sa hosting ng 30th Southeast Asian Games, ito ay ang Rizal Memorial Complex, Philsports, at ang Ninoy Aquino Stadium.

“I heard they’ve already started doing it at the Rizal Memorial Sports Complex at this time,” ani Domingo.

Bukod dito, nagkaloob din ang PACGOR ng P200 million na tseke para sa Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) para sa sponsorship package, ayon kay Domingo.

“We have granted Phisgoc (financial assistance) based on the memorandum from the President exhorting everybody to help with the hosting of the SEA Games,” ayon sa dating Pampanga congresswoman at Bureau of Immigration chief.

Gayunman, umaasa si Domingo na mareresolba ang mga gusot ng ports officials upang hindi malagay sa kahihiyan ang bansa para sa hosting ng biennial meet.

“Kasi malaking kahihiyan sa bansa natin kapag hindi natuloy (ang SEA Games) at magkaroon ng kaguluhan na ganyan. I’m just hoping and praying that everything will be alright just in time for us to host the SEA Games,” ayon sa PAGCOR chief.

-Annie Abad