Nangako kahapon ang dalawang mambabatas na bubuhayin nito ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa bansa.

DEATH

Ito ay kasunod na rin ng karumal-dumal na pagpatay sa isang 1-anyos na batang lalaki sa Makati City, kamakailan.

Ang nasabing hakbang ay isinusulong nina Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers at Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon.

Politics

Senator-elect Erwin Tulfo, nanumpa na!

“I will push for the revival of the death penalty,” ayon kay Barbers, dating chairman ng House Committee on Dangerous Drugs sa nakaraang 17th Congress.

Pagdidiin nito, naisampa na aniya ang kanyang panukalang capital punishment sa bansa.

Dapat aniyang gamitin ng Mababang Kapulungan ang nabanggit na insidente sa Makati upang tuluyang maipasa ang parusa laban sa mga nagawa ng heinous crime, o karumal-dumal na krimen,m kabilang na ang drug-related cases.

“Crimes disturb the order of society. The alarming rise of heinous crime in our country calls for the re-imposition of the capital punishment. The death penalty is said to be the strongest deterrent deterrent society has against such crimes. It aims to restore order and adequately punishes criminals. The death penalty also serves as retribution for victims and their families,” paglilinaw pa ni Barbers.

-Charissa M. Luci-Atienza