Para mas maraming mapagpipilian partikular kung magkakaroon ng suliranin na di inaasahan, ginawang 19 na manlalaro ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao ang national team pool para sa FIBA World Cup.

Clarkson

Kasama sa nasabing 19 na manlalaro ang apat na kinukunsiderang mga naturalized players na sina Stanley Pringle, Christian Standhardinger, Andray Blatche at Jordan Clarkson.

Ang nasabing komposisyon ng Gilas pool ay isinumite ni Guiao noong nakaraang Lunes at inaprubahan naman nina Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio at SBP Chairman Emeritus Manny V. Pangilinan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Maraming nagulat sa pagkakasama Fil-Am Cleveland Cavaliers guard na si Clarkson sa listahan.

Ipinaliwanag naman ni Guiao na isa ito sa kanilang mga back-up plan kung sakaling magkaroon ng mga di inaasahabg pangyayari.

“At least we have options on the naturalized players.”

Gaya ng mga opisyales ng SBP, hindi nawawalan ng pag-asa si Guiao na ikukunsidera ng FIBA na kilalanin si Clarkson bilang local player bago dumating ang World Cup sa susunod na buwan.

Kasalukuyang nakaapela pa rin ang SBP sa estado ni Clarkson sa world governing body ng basketball.

“We’re still hoping that a miracle happens,” ayon pa kay Guiao. “We’re still not giving up on the effort to play him as a local.”

Bukod sa apat na naturalized players, ang iba pang kasama sa Gilas Pilipinas pool ay sina Japeth Aguilar, Raymond Almazan, Mark Barroca, Beau Belga, Robert Bolick, Poy Erram, Juner Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Paul Lee, Gabe Norwood, CJ Perez, Roger Pogoy, Kiefer Ravena, Troy Rosario, at Matthew Wright.

Inaasahang ihahayag ni Guiao ang pangaslan ng mapapasama sa final 12 bago umalis ang national team patungong Foshan, China sa Agosto 29.

-MARIVIC AWITAN