Patuloy na magiging maulan sa ilang bahagi ng Luzon hanggang ngayong bukas, Huwebes, dahil sa pinagsama-samang epekto ng bagyong ‘Falcon’, ng habagat, at ng bagong low pressure area sa Ilocos Sur.

HAMPAS Hindi alintana ng mga batang naglalaro sa dalampasigan ng San Fernando City, La Union ang malalakas na alon, na dulot ng masamang panahon hatid ng bagyong ‘Falcon’, makaraang nag-landfall sa Gattaran, Cagayan, kaninang madaling araw. (ERWIN BELEO)

HAMPAS Hindi alintana ng mga batang naglalaro sa dalampasigan ng San Fernando City, La Union ang malalakas na alon, na dulot ng masamang panahon hatid ng bagyong ‘Falcon’, makaraang nag-landfall sa Gattaran, Cagayan, kaninang madaling araw. (ERWIN BELEO)

Bandang tanghali ngayong Miyerkules nang mamataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang lokasyon ng Falcon sa 195 kilometro sa silangan ng Aparri, Cagayan.

NAG-LANDFALL

National

Atty. Chel Diokno, benepisyaryo daw ng confidential funds ni VP Sara?

Napanatili nito ang lakas ng hanging nasa 65 kilometers per hour (kph), at bugsong aabot sa 80 kph, makaraang mag-landfall sa Gattaran, Cagayan, bandang 12:30 ng umaga ngayong Miyerkules.

Sinabi ni Loriedin dela Cruz, PAGASA weather specialist, na inalis na ngayong Miyerkules ang tropical cyclone warning Signal No. 1 sa Abra, Kalinga, Isabela, Mt. Province, at Ifugao, pero umiiral pa rin ang Signal No. 2 sa Batanes.

Nasa Signal No. 1 pa rin hanggang ngayong Miyerkules ang Apayao, Cagayan, Ilocos Norte, at Babuyan group of islands.

Ayon kay Dela Cruz, mararanasan pa rin ang pag-uulan sa Luzon dahil sa Falcon, habagat at sa LPA, na nasa 125 kilometro sa kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.

Ngayong maghapon, malakas ang ulan sa Isabela, La Union, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, hilagang Palawan, kabilang ang Calamian at Cuyo Islands, Aklan, at Antique.

Bukod dito, manaka-naka rin ang naging pag-ulan sa Metro Manila, ay sa iba pang bahagi ng Luzon at Visayas.

Bukas naman, makararanas ng mahina hanggang malakas na ulan sa Ilocos Region, Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro.

Kung mapapanatili ang kasalukuyang direksiyon nito na hilaga-hilagang-kanlurab sa bilis na 20 kph, sinabi ni Dela Cruz na posibleng lumabas na ang Falcon sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Biyernes.

Kasabay nito, papalakas naman ang LPA habang kumikilos sa labas ng PAR sa susunod na mga oras.

KALSADA, ISINARA SA SOIL EROSION

Dalawa namang kalsada sa Ifugao at Upper Kalinga sa Cordillera ang hindi madaanan ngayon makaraang magkaroon ng soil erosion, ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Sinabi ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na sarado sa ngayon ang isang bahagi ng Matteled Road sa Barangay Dupligan, Tanudan, Ifugao; at ang Lakilak Road sa Bgy. Bugnay, Tinglayan, Kalinga.

Sa isang situation report, kinumpirma ni Jalad na lubog sa baha ang mga barangay ng Sagrada Familia, Bulusan, Linao, Buga, at San Isidro sa bayan ng Libon sa Albay.

Nawalan naman ng kuryente sa mga barangay ng Koreo, Bangaan, Sigayan, Bauyan, at Sugod sa Sultan Naga Dimaporo sa Lanao del Norte nitong Martes.

-Ellalyn De Vera-Ruiz at Martin A. Sadongdong