July 23, 2026

Home BALITA National

Tiyahing pulis ng 14-anyos na shooter, nilinaw na kinuha ng pamangkin ang baril niya!

Tiyahing pulis ng 14-anyos na shooter, nilinaw na kinuha ng pamangkin ang baril niya!
Photo courtesy: Senate of the Philippines, File Photo

Inihayag sa publiko ni PSSG. Arla Ray Paciencia, tiyahing pulis ni alyas Nash na isa sa mga menor de edad na suspek sa school shooting incident sa Tacloban City noong Hunyo 22, 2026, na ilegal daw na pumasok ang kaniyang pamangkin sa kaniyang bahay para kunin ang kaniyang baril. 

Matatandaang lumabas sa mga ulat noong nakaraang linggo sa pagmamay-ari pala ni Paciencia ang ginamit na baril ni Nash sa naging school shooting incident nila sa San Jose National High School na ikinamatay ng tatlong kapuwa nilang mag-aaral. 

KAUGNAY NA BALITA: Menor de edad, namaril sa eskwelahan sa Tacloban City; 3 estudyante, todas!

Sa paglilinaw naman ni Paciencia sa pagdalo niya sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality nitong Miyerkules, Hulyo 1, sinabi niyang ilegal daw na pumasok ang pamangkin niyang si Nash sa pagmamay-ari niyang bahay bago maganap ang kanilang pamamaril. 

“Nash unlawfully entered my own house. It’s not a room po, it’s my own house,” pagsisimula niya. 

National

Atty. Taran ng KWF, panatag sa epekto ng AI data centers sa mga katutubong wika

Ani Paciencia, mula rito, kinuha raw ni Nash ang kaniyang baril na nakalagay sa kaniyang locker na siyang nakandado rin. 

“He forcibly damaged my locker. It was locked. My house is locked as well po,” aniya. 

Paliwanag ng pulis, nakalagay daw kasi sa isang plastic locker ang kaniyang baril noon at siya lang daw ang may hawak ng mga susi ng kaniyang bahay at naturang locker. 

“Plastic locker and my firearm were inside a gun box. The locker was locked as well po and I’m the only one who has the possession of the key to my house,” diin niya. 

Pagpapatuloy ni Paciencia, mga safety vault daw ang mga standard dapat na locker ng isang baril ngunit inakala niya raw noon na ligtas nang ilagay sa plastic locker ang kaniyang baril dahil nag-iisa lang naman daw siyang nakatira sa kaniyang bahay. 

“‘Yong standard po is ‘yong safety vault. But it was in good faith that I believed it was safe at that time since I’m the only one staying in my own house,” pagtatapos niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, nananatili pa ng nasa kustodiya ng mga awtoridad sina Rod at Nash habang naghihintay silang mailipat sa lokal na social welfare at development facility kung saan inaasahang sasailalim sila sa intervention at rehabilitation program.

KAUGNAY NA BALITA: Ina ng nasawing biktima sa pamamaril, umapelang ibaba edad ng batang makukulong!