TINUTUKAN ng madlang pipol ang guestings ni Batangas Rep. Vilma Santos-Recto sa ABS-CBN morning program na Magandang Buhay nitong Huwebes, July 11, dahil binati niya ang anak na si Luis Manzano at ang girlfriend nitong si Jessy Mendiola sa third anniversary ng couple.

Luis at Jessy

Sa video greeting na ipinakita sa Magandang Buhay nang araw na iyon, sinabi ni Vilma, “I’m out of the country, pero hindi puwedeng hindi ko kayo babatiing dalawa. Ang importante lang ay maligaya kayo.”

Sey pa ng Star for All Seasons, “Lucky, you are very, very happy and I would like to thank Jessy for making you really happy with your life. So God bless you and if there’s anything nandito lang si momski.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I love you both and we love you both. God bless your relationship,” masayang mensahe pa ni Ate Vi.

Sa kani-kanilang mensahe para sa isa’t isa, hindi napigilan ni Jessy ang maiyak habang sinasabi ang nararamdaman niya para kay Luis.

“Ang maipapangako ko sa iyo ay lagi akong nandito para sa iyo, at palagi kitang aalagaan. At hindi na ako magpapaapekto sa kung anuman ang sasabihin nila.

“Hindi lang pangako. Gusto ko rin magpasalamat. Kasi ikaw ‘yung naging sandalan ko kapag nahihirapan na ako. Minsan kapag mahirap, palagi mo akong pinapatawa.

“Gusto ko lang magpasalamat kasi dumating ka sa buhay ko at importante ka sa buhay ko,” ani Jessy.

Bilang ganti, isang pangako ang iniwan ni Luis para sa kaniyang girlfriend, na inilarawan niya bilang “strongest person” na nakilala niya.

“She is the strongest person I know. And I promise na kapag dumating ‘yung araw na ‘yung strength na ‘yun ay medyo bumababa nang kaunti, I promise to be your strength.

“I promise to be there for you. I promise na I will try to make that beautiful lips or mouth smile every day. I promise to love you from this day forth ‘til that very, very special day that we get to say two words and so much more after that,” seryosong mensahe ni Luis.

Bagamat nababanggit ang planong pagpapakasal ng dalawa, still mailap pa rin sina Luis at Jessy sa pagbibigay ng anumang detalye kaugnay ng kanilang wedding plans.

-ADOR V. SALUTA