FINALLY, nangyari na ang reunion nina Sharon Cuneta at Cherie Gil na pinag-usapan lang nila sa social media. Kasama pa ni Sharon ang mga anak na sina Frankie, Miel at Miggs nang makipagkita kay Cherie, kaya lalong naging masaya ang pagkikita ng magkaibigan, na nagsimulang mabuo nang gawin nila ang Bituing Walang Ningning, kung saan ginampanan nila ang role nina Dorina at Lavinia.

Sharon at Cherie

Post ni Sharon: “Your Dorina and Lavinia. Friends forever!” na sinagot ni Cherie ng, “Ahhh mission accomplished! Thank you for being the best friend ever. And for being game always and for a wonderful evening and for your lovely children and for the gift of you and your big heart! Love you @reallysharoncuneta.”

Ninang pala ni Frankie si Cherie at noon lang uli nagkita ang mag-ninang. Tiyak na nag-enjoy din sina Miel at Miggs sa mga tsika ni Cherie.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dahil sa pagkikitang ‘yun nina Sharon at Cherie, maraming fans nila ang nagre-request na muli silang magsama sa pelikula.

-Nitz Miralles