PINANGUNAHAN ng magkapatid na Prince at Oshrie Jhames "OJ" Constantino Reyes ang mga naunang nagpatala sa pagtulak ng 1st International Master (IM) Joel "Cholo" Banawa Kiddies 14 Years old and below Rapid Chess Championship sa Setyember 1 na gaganapin sa Open Kitchen, Rockwell Business Center-Sheridan, Highwayhills, Greenfield District sa Mandaluyong City.

Ang 4-taon na si Prince, nursery pupil ng EZEE Nursery School sa Sta. Rita, Pampanga at 8-anyos na si Oshrie Jhames, Grade 3 pupil ng GMC Montessory sa Guagua, Pampanga, ay parehong nasa rigid training kina Ricard Copones at Genghis Katipunan Imperial.

Ang one-day event ay isasagawa bilang pag-gunita sa namayapang si International Master (IM) Rolly Martinez ayon kay US based International Master (IM) Joel "Cholo" Banawa ng Rising Phoenix Chess Academy. Ang torneong ito ay suportado din nina China Aurelio, Mimi Casas at John Gomez ng Open Kitchen, Jeffrey Dimalanta at ni Arturo Turbanada Jr.

May kabuuang P19,000 cash prizes ang nakataya kung saan ang magkakampeon ay tatangap ng lion share P5,000 plus trophy at medal.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Maisusubi naman ng second placer ang P3,000 plus medal, maibubulsa naman ng third placer ang P2,000 plus a trophy habang maiuuwi naman ng fourth at fifth placer ang tig P1,000 plus medals.

Ang Tournament Registration fee ay P500 (on or before August 30, 2019) habang ang On-Site Registration fee ay P600. No Pooling of prizes.

Ang iba pang kalahok ay sina 9 years old Bonjoure Fille Suyamin, Grade 4 pupil ng Del Rosario Christian Institute; 12 years old Geraldine Mae Camarines, Grade 7 student ng Bethel Academy School at 13 years old Janmyl Dilan Tisado, Grade 9 student ng Academy of Saint John - La Salle Greenhills Supervised mula General Trias City, Cavite maging sina 12 years old Alfred Miranda Jr., Grade 7 student ng Eduardo Cojuangco National Vocational High School at 14 years old Alanice Nicole Miranda, Grade 8 student ng Eduardo Cojuangco National Vocational High School mula Paniqui, Tarlac.